Lingid sa kaalaman ng marami ang gandang nakatago sa mga bulubundukin ng Canlaon. Ang malaking puno na naging saksi sa pag-unlad ng lungsod sa haba ng panahon at kailaman ay di napawi ng mga unos na dumating sa lugar. Ating dayuhin at tuklasin ang isa mga ipinagmamalaki ng siyudad ng Canlaon and puno na hatid ng pag-asa at naging simbolo ng masaganang pagsasaka.
Sa Oisca Brgy. Lumapao siyudad ng Canlaon matatagpuan ang 1,328 taong puno ng balete. "Dalakit" kung itoy tawagin ng mga naninirahan sa lugar. Ang puno ng Dalakit ang nakatayo na bago pa dumating ang mananakop na si Magellan at ang punong ito ay natala at napabilang sa tatlong pinakamatandang puno sa buong pilipinas. Napapalibutan ng palayan ang dalakit at bukod pa sa ganda nyang nakakamangha, meron rin kubo o cottage sa gilid upang makapagpahinga ang mga turista. Kinakailangan ng 42 taong naghahawak kamay upang mapalibutan ang kabuohan ng Dalakit. Pwede itong akyatin dahil sa tuktok nito ang isa malapad na espasyo na pwede mapahingahan, isang kamangmanghang na namang biyaya ng diyos. Maliban sa palayan ay meron ring mga palaisdaan at ibat-ibang
klaseng hayop na makikita sa lugar. Ang puno ng dalakit ay naging tahanan na rin ng iba- ibang insekto at itoy nagmimistulang Christmas tree sa gabi dahil napapalamutian ito ng mga mga tutubi. Pinaniniwalaan ng mga mamamayan na hindi pwedeng galawin ang puno dahil tahanan ito ng mga diwata. Ang mga gumagambala sa tahimik na mga diwata ay napaparusahan at sinasabing nagkakaroon ng malubhang sakit.
Ang dalakit ay isa sa mga sentro ng turismo ng Canlaom. Ito ay may malaking gampanin sa pagsulong ng lungsod sapagkat ito ay hindi nawawalan ng dayuhan mula sa loob at labas ng bansa. Hindi maipagkakaila ang kagandahan na taglay ng puno na ito. Ang pamamasyal dito ay isang nakapagandang karanasan kaya't dayuhin at pagyamanin ang puno ng panahon, ang "Dalakit" ng Canlaon!
PAANO MAKAKARATING SA DALAKIT!
*Mula sa Dumaguete City, sumakay ng bus patungong Canlaon. Ito ay limang oras na byahe. Pagdating doon, sumakay ng habal-habal papuntang Brgy. Aquino, at ihahatid ka na sa kinaroroonan ng puno.
*Kung may sariling sasakyan, tinayayang apat na oras ang byahe papuntang Canlaon mula sa Dumaguete City. Pagdating doon, pumunta sa tourism office para humingi ng direksyon upang hindi maligaw. Sa tinatayang 20 minutong byahe, makakarating ka na sa lokasyon ng balete.
I-contact lamang ang numerong ito kung may mga katanungan: 09267664266
PAANO MAKAKARATING SA DALAKIT!
*Mula sa Dumaguete City, sumakay ng bus patungong Canlaon. Ito ay limang oras na byahe. Pagdating doon, sumakay ng habal-habal papuntang Brgy. Aquino, at ihahatid ka na sa kinaroroonan ng puno.
*Kung may sariling sasakyan, tinayayang apat na oras ang byahe papuntang Canlaon mula sa Dumaguete City. Pagdating doon, pumunta sa tourism office para humingi ng direksyon upang hindi maligaw. Sa tinatayang 20 minutong byahe, makakarating ka na sa lokasyon ng balete.
I-contact lamang ang numerong ito kung may mga katanungan: 09267664266
ah ganon ba at nakasure po ba kayu na pag pumunta kami nag mga kaklase ko magiging masaya ba kami sa mga tanwin sa lugar niyan
TumugonBurahinAno ano makukuha namin kung sakaling pumunta kami
TumugonBurahinTaga Canlaon po kayo diba?
BurahinSaan po pinakamaganda at abot-kaya mag-check-in sa pagbisita namin sa Canloan?
TumugonBurahinSa f & c po. 💕
BurahinDahil dito may nalaman na naman akong magandang lugar dito sa Dumaguete. Di na ako pakapaghintay na pumunta dito.
TumugonBurahingaling!
TumugonBurahinNapakaganda ng puno. Parang gusto kong umakyat jan tapos tumalon para mamatay hahahahahhaa
TumugonBurahinAng ganda naman
TumugonBurahinWOW! Gandang-ganda naman dyan sa Canlaon. Makakapunta rin kami dyan ng pamilya ko balang araw. Salamat sa pagbabahagi nito sa'min, Jes! Gandang pagmasdan ang Canlaon. Very good!
TumugonBurahinNapakagaling ����
TumugonBurahinTunay na napakaganda, kabikabighani at Kakaiba.
TumugonBurahinNapakaganda talaga ng gawa ng Diyos! Nais kong magpunta sa Canlaon at tanawin ang nakabibighaning puno na iyan.
TumugonBurahinPwde ka po bang magpakilala?
BurahinNapakaganda at kaaya-aya talaga ng Canlaon. Proud talaga ako na taga Canlaon ako - Zea Mae A. Ongco
TumugonBurahinTalaga namang napakagandang puno yan. Maraming beses na akong nakabisita jan dahil na rin na Canlaonian ako, maraming salamat sa pagbahagi mo ng impormasyon tungkol dito, tiyak na marami na namang turista ang bibisita dahil sa pagbahagi mo. Proud Canlaonian here 😊💕
TumugonBurahinSadyang kaaya-aya ang kagandahan ng punong iyan. Halinat subokan ninyong bumisita upang matuklasan ninyo kung gaano kabighani ang punong ito. Siguradong mapapawi ang pagod na iyong nadarama. Nasabi na rin po sa itaas ang mas malinaw na impormasyon :)
TumugonBurahinanong nangyari sa picture? Hindi ko makita....
TumugonBurahinMaganda ang iyong pagkakalarawan. Kumpleto sa impormasyo maliban nalang siguro sa mga typo error.