Lingid sa kaalaman ng marami ang gandang nakatago sa mga bulubundukin ng Canlaon. Ang malaking puno na naging saksi sa pag-unlad ng lungsod sa haba ng panahon at kailaman ay di napawi ng mga unos na dumating sa lugar. Ating dayuhin at tuklasin ang isa mga ipinagmamalaki ng siyudad ng Canlaon and puno na hatid ng pag-asa at naging simbolo ng masaganang pagsasaka.
Sa Oisca Brgy. Lumapao siyudad ng Canlaon matatagpuan ang 1,328 taong puno ng balete. "Dalakit" kung itoy tawagin ng mga naninirahan sa lugar. Ang puno ng Dalakit ang nakatayo na bago pa dumating ang mananakop na si Magellan at ang punong ito ay natala at napabilang sa tatlong pinakamatandang puno sa buong pilipinas. Napapalibutan ng palayan ang dalakit at bukod pa sa ganda nyang nakakamangha, meron rin kubo o cottage sa gilid upang makapagpahinga ang mga turista. Kinakailangan ng 42 taong naghahawak kamay upang mapalibutan ang kabuohan ng Dalakit. Pwede itong akyatin dahil sa tuktok nito ang isa malapad na espasyo na pwede mapahingahan, isang kamangmanghang na namang biyaya ng diyos. Maliban sa palayan ay meron ring mga palaisdaan at ibat-ibang
klaseng hayop na makikita sa lugar. Ang puno ng dalakit ay naging tahanan na rin ng iba- ibang insekto at itoy nagmimistulang Christmas tree sa gabi dahil napapalamutian ito ng mga mga tutubi. Pinaniniwalaan ng mga mamamayan na hindi pwedeng galawin ang puno dahil tahanan ito ng mga diwata. Ang mga gumagambala sa tahimik na mga diwata ay napaparusahan at sinasabing nagkakaroon ng malubhang sakit.
Ang dalakit ay isa sa mga sentro ng turismo ng Canlaom. Ito ay may malaking gampanin sa pagsulong ng lungsod sapagkat ito ay hindi nawawalan ng dayuhan mula sa loob at labas ng bansa. Hindi maipagkakaila ang kagandahan na taglay ng puno na ito. Ang pamamasyal dito ay isang nakapagandang karanasan kaya't dayuhin at pagyamanin ang puno ng panahon, ang "Dalakit" ng Canlaon!
PAANO MAKAKARATING SA DALAKIT!
*Mula sa Dumaguete City, sumakay ng bus patungong Canlaon. Ito ay limang oras na byahe. Pagdating doon, sumakay ng habal-habal papuntang Brgy. Aquino, at ihahatid ka na sa kinaroroonan ng puno.
*Kung may sariling sasakyan, tinayayang apat na oras ang byahe papuntang Canlaon mula sa Dumaguete City. Pagdating doon, pumunta sa tourism office para humingi ng direksyon upang hindi maligaw. Sa tinatayang 20 minutong byahe, makakarating ka na sa lokasyon ng balete.
I-contact lamang ang numerong ito kung may mga katanungan: 09267664266